Buwan ng Wika: Lakan at Lakambini 2014

News image
News image
News image
News image
News image


Linggo ng Wika 2014: Lakan at Lakambini

Date: April 17, 2015Posted by: GIRLIE F. GUIUAN

By Luis Angelo Espiritu

Ang Buwan ng Wika ay pangmalawakang selebrasyon na idinaraos taon-taon, bilang paggunita at pasasalamat sa pagkatuklas sa wikang Filipino ng Pilipinas. Ang unibersidad ng St. Paul Manila ay ipinagdiwang ang “Buwan ng Wika 2014” na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa,” noong ika-dalawampu’t-siyam ng Agosto 2014.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Lakan at Lakambini 2014 ay taunang idinaraos. Layunin ng patimpalak na ito na maipakita ang mga natatagong kakisigan at kagandahan ng mga estudyante ng St. Paul University Manila.
Ang pagtutunggali ng mga kalahok ay ibinase sa kaayusan at kagandahan sa pagdadala ng kasuotang pang-relihiyon, barong at saya, at ang uniporme ng Unibersidad, kagandahan, at katalinuhan sa pagsasagot sa ‘Question and Answer’ portion upang mahirang na Lakan at Lakambini ng taong 2014.
Para sa Nursing, ang kalahok na Lakan ay galing sa Ikatlong taon at ang sa Lakambini naman ay galing sa Ikalawang taon.

Itinanghal na Lakan at Lakambini 2014 sina Ginoong Lorenz Sioson mula sa Programa ng Pangkalahatang Komunikasyon (ABMC) at Binibining Chenel Anne Carran mula sa Programa ng Accountacy (BSA).

Gayunpaman, ang buong kolehiyo ng Nursing ay nagagalak at nagpapasalamat kina Jolyon at Anica sa pagsali sa patimpalak. Kayo ay ipinagmamalaki namin!